RSU Olympics 2015, opisyal ng binuksan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 14 September 2015

Opisyal ng binuksan nitong Linggo ang Olympics 2015 ng Romblon State University.

Ang nasabing olympics ay nilalahukan ng iba't ibang campuses ng RSU sa buong lalawigan.

Sa opening ceremony ng nasabing patimpalak, naging panauhing pandangal ang asawa ni Pasig City Congressman Roman Romulo na si Shalani Soledad-Romulo.

Nagbahagi siya ng kunting kwento para ma-inspired ang mga Romblomanong manlalaro.

Inaasahang magtatagal ang RSU Olympics 2015 hanggang sa Biyernes, September 18.