Cajidiocan Men's Volleyball Team; kampeon sa #RSUOlympics2016

Written by Jhay Fornal | Romblon News

Nasungkit ng RSU Cajidiocan Men's Volleyball Team ang kampeonato sa larong Men's Volleyball sa #RSUOlympics2016.

Nakalaban ng Cajidiocan ang mga malalaking manlalaro ng College of Business and Accountancy ng Main Campus nitong Huwebes, November 10.

Sa unang set, agad na nakakuha ng panalo ang Cajidiocan matapos maka score ng 25 against 19 ng CBA.

Nakabawi naman ang CBA sa second set matapos na makakuha ng 21-25 score, pabor sa kanila.

Sa mga sumunod na set, tinuloy-tuloy na ng Cajidiocan ang malalakas na spikes para makakuha ng 25-16; at 25-21 scores para makuha ang third at fourth set.