#RSUOlympics2016: CAFF men's volleyball team loses to CBA

Written by Jhay Fornal | Romblon News

Wagi ang College of Business and Accountancy Men's Volleyball team kontra sa College of Agriculture, Fisheries, and Forestry sa laro nila sa ikalawang araw ng #RSUOlympics2016 sa Romblon State University Main Campus ngayong araw, November 08.

Nakuha ng College of Agriculture, Fisheries, and Forestry ang first set kung saan lamang sila ng 2 points kontra sa CBA sa score na 25-23.

Sa ikalawang set, tinambakan ng mga manlalaro ng College of Business and Accountancy ang CAFF sa score na 9-25.

At sa ikatlong set, tuluyan ng tinalo ng CBA ang CAFF sa score na 20-25 para makuha ang laro.