#RSUOlympics2016: CET soccer team ties Sawang Campus

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagtapos sa score na 1-1 ang labanan ng soccer team ng College of Engineering and Technology at Sawang Campus kahapon, November 07.

Sa unang 20 minutes ng laro, naka-score ang frontman ng Sawang Campus matapos na malusutan ang dipensa ng College of Engineering and Technology at ang goaler nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas naka bawi ang College of Engineering and Technology at naka score rin ng 1 puntos.

Pansamantalang itinigil ang laban kahapon at ipinagpatuloy ngayong araw matapos na bumuhos ang malakas na ulan.

Sa huli, hindi na nadagdagan ang score ng parehong grupo at nagtapos sa sa score na 1-1 ang labanan.