Filter

Otoridad, bigo paring makita ang mangingisdang nawawala sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Bigo paring makita ng mga rescuers mula sa Coast Guard Station Romblon at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Romblon, Romblon ang isang mangingisdang nawala kahapon sa dagat.

Ang mangingisdang si Samson Mingo, residente ng Barangay Logbon, ay pumalot umano kahapon ng madaling araw ngunit hindi umano nakabalik pagsikat ng araw.

Sa report ng MDRRMO, sakay umano si Mingo ng isang bangka na may pangalang 'Super Sam'.

Sa text message naman ng MDRRMO, nabigo sila makita ang lalaki ngayong araw sa kabila ng isinagawa nilang Search and Rescue Operation sa sakop na tubig ng probinsya.

...

20 mag-aaral tatanggap ng scholarship, uniform mula LGU San Fernando

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

Pagkakalooban ng scholarship sa high school at libreng school uniform ng LGU San Fernando ang mga estudyanteng kabilang sa Top 10 na nagtapos sa elementarya ngayong taon mula sa mga paaralan ng San Fernando Central Elementary School at Campalingo Elementary School.

Bilang incentives sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan nang sila ay magtapos ng elementarya ay nilayon ng pamahalaang bayan ng San Fernando sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Salem R. Tansingco na sila ay pagkalooban ng scholarship at libreng school uniform.

Layunin ng programang ito na makapagpatuloy sa pag-aral sa hayskul ang mahihirap subalit matatalinong kabataan.

Ang mga...

Performance ni Elha sa The Voice Kids, pinuri ng mga Romblomanon sa Social Media

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Friday, 28 August, 2015

 

Photo Courtesy: Vernise Tantuco/Rappler

 

Umani ng papuri sa mga Netizens na taga Romblon ng naging performance ni Elha Nympha sa Finals ng The Voice Kids Philippines Season 2 ngayong gabi.

Sa opening palang ng programa, nag perform si Elha kasama ang tatlo niya pang kalaban na ina Reynan Dal-Anay, Esang de Torres, at Sassa Dagdag kasama rin ang Season 1 winners na sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo at Darlene Vibaeres sa kantang "Verge" ng Owl City.

Nag perform rin si Elha kasama ang kanyang napiling artist...

Lalakeng 22 years nag tago sa dahil sa kaso sa Simara, huli sa Batangas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 29 August, 2015

Nadakip matapos ang isang matagumpay na operasyon ng mga kapulisan ng Romblon Provincial Police Office ang isang wanted person sa Batangas kaninang umaga.

Ayon kay SPO2 Allan Fruelda, nadakip ang suspect na si Joey Fronda Mores sa Barangay Pansol, Padre Garcia, Batangas sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 81 noong 2011.

Si Joey Mores, 40 taong gulang, may-asawa, at residente ng Barangay Alegria, Corcuera, Romblon.

Isingawa ang opersyon ng mga tauhan ng Romblon Provincial Police Office at Provincial Special Operation Group sa pangunguna...

Pawikan, natagpuang patay at palutang-lutang sa Alcantara

Written by Romblon News

by Kan Tapat, RomblonNews Contributor | Saturday, 29 August, 2015

Isang pawikan ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Poblacion sa Alcantara pasado alas-6 ng umaga kanina sa kanilang baybayin.

Agad itong kinuha ng mga mangingisda sa dagat at ikinagulat nila ng makita na walang buhay ang palutang-lutang na pawikan.

Ayon pa sa ilang mga taga Poblacion, nagtamo umano ng sugat ang pawikan na maaring sumabit sa kung anong bagay sa dagat.

Nilibing naman agad ang pawikan upang hindi na ito bumaho.

...

Motorsiklo sumalpok sa bakod na kawayan, lola na sakay ng motorsiklo nagtamo ng sugat

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 29 August, 2015

Nagkawasak-wasak ang unahan ng Isang motorsiklo matapos itong sumalpok sa bakod na kawayan sa Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan kaninang umaga.

Ayon kay Jeiel Jay Farquerabao, residente ng Barangay Poctoy, mabilis umano ang paandar ng driver ng motorsiklo.

Nagtamo naman ng sugat sa mukha ang matandang babae na sakay ng motorsiklo, habang galos naman ang natamo ng driver at ng isa pa nitong sakay.

Agad namang dinala sa Romblon Provincial Hospital ang matandang babae sakay ng isang tricycle upang gamutin ang sugat.

Wala umanong dalang helmet ang driver ng...

Lahat ng paraan para malutas ang kaso ni Rezin, ginagawa umano ng awtoridad

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 28 August, 2015

Labing isang araw matapos ang madugong krimen na nangyari sa boarding house sa loob ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon, wala paring resulta ang imbestigasyon ng awtoridad.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores hepe ng Odiongan Municipal Police Station, lahat umano ng paraan para malutas ang kaso ay kanila ng ginagawa. Hindi umano masasabi kung kelan at gaano katagal o kabilis malulutas ang kaso.

Sinabi rin nitong umaasa sila sa mga resulta ng DNA Testing na isinagawa nila at sa maaring maging testimonya pa ng pinsan...

5-pares ng mansing-irog sa Odiongan District Jail, sabay-sabay na nagpakasal

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 28 August, 2015

Hindi alintana ng limang pares ng mansig-irog ang kasalukuyang kondisyon ng buhay upang hadlangan ang kanilang pagmamahalan.

Ayon nga sa nakararami, sa dinami-dami ng problemang dumating, sa kasalan rin ang ending.

Ngayong araw, August 28, sabay-sabay na ikinasal ni MCTC Branch 005 Odiongn Judge, Cirile Maduro Foja, ang 5 lalakeng preso ng Odiongan District Jail sa kanilang mga syota.

Dinaluhan ng pamilya ng bawat preso na ikinasal ang ginanap na mass wedding sa loob ng kulungan.

Kompleto rin ang bagay na hindi mawawala sa isang kasalan katulad na lang ng...

Fodra at Reyes, nanumpa na bilang Alkalde at Bise-Alkalde ng Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 28 August, 2015

Photo Courtesy: Mary Jude Gabat

Nanumpa sa harapan ni MCTC Branch 005 Odiongan Judge Cirile Maduro Foja bilang bagong alkalde si Hon. Roger Fodra at si Hon. Mark Anthony 'Cocoy' Reyes, bilng Bise-Alkalde ng bayan ng Odiongan umaga ng August 28. 2015.

Ginanap ang oath taking ceremony sa Munisipyo ng Odiongan na dinaluhan naman ng mga Sanguniang Bayan Members at ilang taga suporta ng dalawa.

Nanumpa ang dalawa, dalawang araw matapos pumanaw ang dating Mayor ng Odiongan na si Hon. Baltazar Firmalo matapos ma-stroke.

Ayon naman sa source, pinag-iisipan pa kung sino...

Babae na bibili sana ng tinapay, patay matapos masalpok ng motorsiklo

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 27 August, 2015

Patay ang isang babae sa bayan ng San Andres matapos masalpok ng rumaragasang motorsiklo pasado alas-3 kaninang hapon.

Nakilala ang babaeng nasawi na si Beatriz Madeja residente ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa mga nakasaksi, bibili sana ng tinapay sa kalapit na tindahan si Madeja nang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ni Jhorey Sola Ignacio, residente naman ng Barangay Tan-agan.

Nakaladkad si Madeja at idineklarang dead on the spot matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Galing umano ng Barangay Mablaran si Ignacio at papauwi na sana nang mangyari ang...

Romblomanon, pasok sa Final 4 ng "The Voice Kids Season 2"

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Isang taga Romblon ang isa sa apat na kabataang pasok sa final 4 ng The Voice Kids Season 2.

Hindi hadlang ang pagiging probinsyana o promdi para kay Elha Mae Fronda Nympha para abutin ang pangarap at ipakita ang galing.

Si Elha Mae Fronda Nympha ay tubong Barangay Pagsangahan, Calatrava, Romblon.

Ayon sa ilang mga netizens, siy Elha ay nagtitinda lamang ng Banana Que sa mga paaralan sa bayan ng Calatrava bago ito na diskobre sa show.

Panawagan sa lahat ng mga Romblomanon na nasa ibat-ibang panig ng bansa at...

Paghahanap kay Margil Faderagao, pinagpapatuloy ng PNP-Corcuera

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Patuloy naman na pinaghahanap ng kapulisan ang isa pang lalake na kasabay ring nawala ng babaeng nakitulog lang sa kanyang boyfriend.

Ayon sa CMPS, pumunta rin sa sayawan ang lalake sa Barangay Colong-Colong noong Biernes ngunit hindi rin umano nakauwi.

Nakilala ang nawawalang lalake n si Margil Faderagao, residente ng Barangay Mangansag ng nasabi ring bayan.

Ayon sa kapatid nitong si Lhey Ramos, wala umanong kaaway ang lalakeng nawawala.

Batay sa kwento ng kapulisan, nakikipag-inuman umano si Faderagao sa kanyang mga barkada bandang alas-10 ng gabi ng bigla siyang umalis...

Babaeng 4-araw nawala sa Corcuera; natulog lang pala sa Boyfriend

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Apat na araw umanong nawala bago makita kahapon ang isang babae sa Corcuera, Simara Island, Romblon.

Batay sa kwento, ang nasabing babae ay huling nakita sa kanyang pinuntahang sayawan sa Barangay Colong-Colong nitong biyernes.

Ayon sa pamunuan ng Corcuera Municipal Police Station ng makausap ng Romblon News, nagsagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa nawawalang babae hanggang sa matagpun nila ito kahapon ng hapon.

Dagdag pa ng Corcuera Municipal Police Station, nakitulog lang ang babae sa kanyang boyfriend ng halos-4 na araw. Hindi lang talaga nakapagpaalam ang nasabing babae sa kanyang...

Binatilyong nag-amok sa Looc, sinapian umano ng masamang elemento

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Isang binatilyo ang nag-amok pasado alas-6 ngayong gabi sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon.

Ayon sa mga residente ng lugar, nagtatakbo umano ang nasabing binatilyo dala-dala ang isang kutsilyo at nanghahabol ng mga taong naglalakad sa lugar.

Agad namang pinatawag ng mga residente ang mga kapulisan ng Looc upang bigyang pansin ang pangyayari.

Ang nasabing binatilyo ay dalawang araw nang nagwawala kapag gabi sa tinitirhang bahay sa nasabing bayan.

Ayon sa mga residente, may mag-asawa diumanong sumasapi sa binatilyo kapag sumasapit ang alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.

Nitong Martes, nagpatawag pa...

Mayor ng Odiongan, patay matapos ma-stroke

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Updated: Wednesday, 26 August, 2015

Pumanaw na kaninang madaling araw si Hon. Baltazar 'Boy' Llorca Firmalo, Mayor ng Odiongan matapos ma-stroke ulit, habang nagpapagaling sa Romblon Provincial Hospital.

Matatandaang tumaas ang blood pressure ni Mayor Firmalo pasado alas-8 kagabi matapos maparami ang nakaing malagkit.

Pagdating sa ospital ay umabot pa umano sa 140/100 ang blood pressure ng alkalde at naging normal na, pero muling inatake pasado alas dos y medya ng madaling araw, Agosto 26 na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Si Mayor Boy ay pumanaw sa edad na 66.

 

 

 

...

Brownout nararanasan sa ilang bayan sa Tablas Island dahil sa nasunog na poste

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 25 August, 2015

Nakakaranas ng brownout ang mga bayan ng Odiongan, Looc, Ferrol at ilang bahagi ng Alcantara dahil sa nasunog na poste sa Barangay Poctoy sa Odiongan kanina.

Ayon kay General Manager Orville Ferranco ng makausap ng Romblon News, sinabi nitong nasunog ang poste pasado alas-4 ng hapon at inaasahang magtatagal ang pag-aayos ng halos dalawang oras.

Inaasahan niyang maibabalik sa normal na operasyon ang kuryente pasado alas-6 ngayong gabi.

Naapektuhan naman ang mga bayan ng San Andres, Calatrava, at ilang bahagi ng San Agustin ngunit maibabalik umano ito agad.

"Maibabalik namin...

Lalakeng wanted sa IloIlo City dahil sa kasong rape, nahuli sa Looc

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 25 August, 2015

Nahuli ng pinagsamang lakas ng Looc Municipal Police Station at ng mga tauhan ng Romblon Provincial Police Office sa bayan ng Looc, Romblon pasado alas-9 ng umaga ngayong araw ang lalakeng may kasong rape at sexual abuse sa IloIlo City.

Nakilala ang wanted person na si Felipe Feranco, 47 taong gulang at nakatira sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Ayon kay SPO2 Allan Fruelda, hinuli nila si Feranco sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 66 sa Barotac Viejo, IloIlo City.

Ayon pa sa kwento ni...

Labi ni Rezin Galicha, naihatid na sa huling hantungan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 25 August, 2015

Inihatid na sa huling hantungan ang labi ni Rezin Galicha ngayong araw, isang linggo matapos ang madugong krimen sa bayan ng Odiongan.

Dinagsa ang libing ni Rezin ng madaming tao kasama na ang kanyang mga kapamilya, ka-kaklase at kahit mga simpleng tao lang sa Alcantara.

Matatandaang namatay si Rezin matapos pagsasaksakin sa kanyang tinutuluyan na boarding house sa bayan ng Odiongan noong August 18. Nakaligtas ang pinsan ni Rezin na kasama rin sa boarding house noong panahong iyon.

Hanggang sa ngayon wala paring lead kung sino ang pumatay kay Rezin.

...

Kapulisan, nilabag umano ang protocol sa pag-iimbestiga sa kaso ni Galicha

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 24 August, 2015

 Nilabag umano ng awtoridad ang protocol sa pag-iimbestiga sa pagpaslang kay Rezin Galicha.

Ayon kay Atty. Ronnie Fradejas, abogado ng witness, hindi umano ginawa ng mga awtoridad ang dapat gawin kapag menor-de-edad ang kanilang kinukuhaan ng statement.

"Dapat ang una nilang ginawa, pinahanap nila ng abogado ang witness bago nila ito imbestigahan." pahayag ni Atty. Fradejas ng makausap ng Romblon News.

Nilabag umano ng kapulisan ang karapatan ng bata sa ginawa nila.

"Kahit mga imbestigador pwede makulong dahil child abuse yun.", dagdag ni Atty. Fradejas.

"Hindi dapat sila kumuha ng...

Pamilya ng witness sa pagpatay kay Rezin, humiling na huwag maghusga agad-agad

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 24 August, 2015

Humihiling ang pamilya ng witness sa publiko na hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng awtoridad bago tumalon sa kung ano-anong kumento.

Ayon sa pahayag na ipinaabot ng tatay ng witness sa Romblon News, sinabi nitong nalulungkot sila sa malaking dagok na dumating sa buhay nila.

Hiling rin niya na huwag sana nilang husgahan ang kanyang anak ng kung ano-ano dahil biktima rin siya at sana laparan ng mga nagbabasa ang isip nila.

Kahit umano sila naghahanap rin ng hustisya sa pagkamatay ni Rezin.

Ayon naman sa isang malapit sa witness...

2015 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg, opisyal ng binuksan kahapon

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

 PHOTO: Facebook/Philippine Sports Commission PHOTO: Facebook/Philippine Sports Commission

Pormal nang binuksan ngayong hapon ang pagsisimula ng 2015 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg sa Romblon, Romblon.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng parada at maikling programa sa Romblon National High School.

Nakilahok sa parada ang pride ng Romblon na si Ms. Elma Muros o mas kilalang track and field superstar ng bansa, mga opisyales ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, mga manlalaro, at mga opisyal ng bayan at mga barangay.

Ayon sa ulat Philippine Sports Commission, inaasahang aabot ng 1,000 mga manlalaro ang dumating sa Romblon para sa nasabing aktibidad.

Ang 2015 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg ay...

Rios, kauna-unahang Romblomanong nakapasok sa PBA

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Monday, 24 August, 2015

Photo Courtesy: SLAM

Opisyal nang pinasok ni Jansen Rios ang mundo ng Philippine Basketball Association kahapon.

Sa 2015 PBA Draft sa Robinson’s Place Manila kahapon, August 23, pinili si Rios ng NLEX Road Warriors bilang pang 25th pick sa third round ng draft.

Si Rios ay lumaki sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa 23-anyos na si Rios, football ang kauna-unahan niyang laro kung saan nilaban pa siya sa Palarong Pambansa upang maging kinatawan ng probinsya ng Romblon.

"Yun talaga event ko eh. Late bloomer...

Agresibong galaw ng awtoridad, dahilan kung bakit naghanap ng Private Lawyer ang witness at pinsan ni Rezin Galicha

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 23 August, 2015

Ibinunyag ng isang impormante sa Romblon News na ang dahilan ng paghingi ng tulong sa isang private lawyer at sa opisina ng DSWD ng pinsan at witness sa pagpatay kay Rezin Galicha ay ang agresibong galaw ng mga awtoridad na humahawak sa kaso.

Ayon sa impormante, bukal sa loob ng witness ang ginagawng pakikipag-tulungan sa kapulisan, katunayan nga raw malayang sumama ang witness sa Romblon Provincial Hospital para pagbigyan ang hiling ng kapulisan na kuhaan siya ng blood sample.

Malaya ring sumama ang witness sa isinagawang reenactment ng mga imbestigador...

Biyahe ng mga Pumpboat Ngayong Araw, Suspendido parin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 23 August, 2015

Kanselado paring ngayong araw ang mga biyahe ng pumpboat at RoRo galing Romblon Island patungong Tablas Island t Sibuyan Island, ayon sa Coast Guard Romblon.

Ito ay dahil sa nakataas na gale warning sa buong seaboard ng Luzon na itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Kanselado rin ang biyahe ng mga pumpboat galing Odiongan patungong Mindoro ngayong araw.

Paalala ng Coast Guard Romblon, may biyahe ang mga barko patungong Batangas at Caticlan ngayong araw.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang unti-unting gaganda ang panahon paglumabas na...

2,500 Narra seedlings, itinanim ng Agricultural Engineering Students

Written by Reden Escarilla | Romblon News

Umabot ng halos 2,500 na puno ng narra ang sabayang itinanim ng mga Agricultural Engineering Students ng College of Engineering and Technology ng Romblon State University Main Campus sa RSU San Andres Campus sa San Andres, Romblon nitong Biyernes, August 21.

Ang nasabing tree planting activity ay bahagi ng programa ng Philippine Society of Agricultural Engineering Students - Romblon State University Chapter para sa kalikasan.

Hindi nagpatinag ang mga estudyante na magtanim ng mga puno sa kabila ng banta ng masamang panahon dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Ineng.

Layunin ng grupo na mas bigyang halaga ang nagbabagong kalikasan sa...

Concepcion National High School nanguna sa National Achievement Test sa buong lalawigan

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Sunday, 23 August, 2015

Photo Courtesy of Concepcion National High School Facebook Page

Nakamit ng Concepcion National High School (CNHS) Main Campus ang Number One (1) spot sa listahan ng mga Secondary Schools para sa buong probinsya ng Romblon na kumuha ng National Achievement Test na ginanap noong nakalipas na March 2015.

Ang naturang kahusayan na pinamalas ng mga mag-aaral partikyular ang Batch 2015 ay lubos na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng kanilang School Principal na si Mrs. Monica Firmalan-Feudo, at ng lahat ng mga guro at empleyado ng nasabing paaralan dahil sa kanilang ginawang pagsisikap...

3 Illegal na mangingisda, nahuli ng Banton MPS

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 23 August, 2015

Nadakip ng mga tauhan ng Banton Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Edwin Bautista ang tatlong (3) illegal na nangingisda sa Gacut Island, Banton, Romblon nitong August 15.

Ayon sa police report ng BMPS, tinungo ng mga awtoridad ang Gacut Island matapos makatanggap ng tip sa isang Barangay kagawad ng Nasunogan na merong isinasagawang illegal fishing activity sa nasabing Isla.

Timbog sa kamay ng kapulisan sina Juvey Falejo, 35 years old; Christopher Fajarito, 30 years old; at Angelo Sadiwa, 32 years old at pawang mga residente ng Barangay...

MR ng grupo ni Juliet Ngo-Fiel ibinasura ng Ombudsman

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ng grupo ni Sanguniang Panlalawigan Member Juliet Ngo Fiel at pito pang kasama na pawalang bisa ang desisyon ng Ombudsman na tanggalan sila ng pwesto sa Gobyerno kaugnay parin ito sa maanumalyang "Swip Irrigation Project" sa Looc, Romblon noong 2008.

Hiniling ng grupo ni Fiel na huwag sila tanggalan ng pwesto sa Gobyerno noong Mayo 2015.

Ayon sa Ombudsman, tinanggihan nila ang apela ng grupo ni Fiel dahil kulang umano ang "merit".

Sa desisyon ng Ombudsman, pinatatalsik nila...

Kasama ni Galicha ng siya ay pagsasaksakin, humingi ng assistance ng abogado at DSWD

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015

 

Pahirapan parin ang mga awtoridad sa paghahanap ng suspek at maaring motibo sa pagpatay sa isang BS Biology student ng Romblon State University nitong nakaraang Martes, August 18.

Ayon sa imbestigador na humahawak sa kaso ni Galicha ng makapanayam ng Romblon News, maaring mahirapan sila mag imbestiga sa kaso ng pagpatay kay Rezin Galicha dahil sa maaapektuhan na ang kanilang imbestigasyon ng private lawyers kasunod ito sa ginawang aksyon ng pamilya ng witness.

Ayon sa imbestigador, mahihirapan silang magtanung sa witness kasi maaring maharang ang mga tanung nila ng...

Mga pasahero sa Romblon Port, stranded dahil sa habagat

Written by Romblon News

by Ernest Perry, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015

Stranded ang 45 na pasaherong patungo sanang Tablas Island at Sibuyan Island sa pa Romblon Port matapos kanselahin ng Coast Guard Romblon Station ang biyahe ng mga RoRo at lahat ng pumpboat patungo sa mga nasabing Isla bunsod ng masungit na panahon.

Ang ilan sa mga stranded ay mula pa nitong biyernes nasa pantalan.

Nagbigay naman ng libreng pagkain ang Probincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kasalukuyang nasa Port Terminal ang mga stranded at inaasahang magtatagal sila sa pantalan hanggang mawala ang gale warning na itinaas ng PAGASA.

...

Crew ng M/B Alad Express 1, nailigtas malapit sa Banton Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015

Nailigtas na kaninang umaga ang 7 sakay ng pumpboat na M/B Alad Express 1 na lumubog pasado alas-5 kagabi sa pagitan ng Sibale at Simara Island.

Ayon kay Governor Eduardo Firmalo, nailigtas ng mga awtoridad sa tulong ng mga residente ng Banton ang mga crew matapos mamataang palutang-lutang sa dagat na sakop ng Banton Island.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Romblon News nakilala ang mga sakay ng M/B Alad Express 1 na sina: Antonio Morgado Ton, John Paul Morgado Marquez, Jonathan Mutya Marabito, Reymar Montojo Rodas, John Rey Fronda Aguilar,...

M/B Alad Express 1, lumubog sa dagat na sakop ng Sibale at Simara Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

FILE PHOTO | Paul Jaysent Fos

Lumubog ang M/B Alad Express 1 sa bahagi ng Sibale Island at Simara Island sa lalawigan ng Romblon pasado alas-5 ngayong araw.

Sakay ng bangka ang 7 crew, at ilang mga LPG Tanks na dadalhin sanang Romblon Island.

Ayon kay Concepcion's Mayor Lemuel Cipriano, nakatangap sila ng distress call galing sa mga sakay ng bangka bandang 4:30 na nasiraan sila ng bangka.

Dagdag pa ni Cipriano, galing umanong Mindoro ang bangka at patungo sanang Romblon Island.

Pasado alas 6 naman ngayong gabi lalayag sana...

RSU, 1st Runner-up sa Regional Inventions Contest and Exhibit sa Palawan.

Written by Lyle Formilleza | Romblon News

by Lyle Formilleza, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

“Malay natin sa Romblon na manggaling ang gamot laban sa breast cancer – DOST” Iyan ang mga katagang binitawan sa Closing and Awarding Ceremony ng naturang ahensiya sa katatapos lang na Regional Invention Contest and Exhibit sa City Coliseum sa Lunsod ng Puerto Prinsesa noong Aug. 17 – 19, 2015.

Magkahalong emosyon ang naramdaman nina Jacinth Pearl D. Fradejas at Henley F. Galiga, Thesis Adviser ng naturang grupo, matapos tanghaling 1st runner-up sa Creative Research (College level) ng Regional Invetion Contest and Exhibit ang kanilang entry na “Cytotoxic Activity of Miracle...

Mga manlalaro para sa Batang Pinoy Visayas 2015 dumating na sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Photo Courtesy: Roberto Madeja

Halos 219 na manlalaro at officials ang dumating na sa Romblon Island upang lumahok sa 2015 Batang Pinoy Visayas Qualifying Leg kagabi.

Ayon kay Roberto Madera, Provincial Economic Investment Promotion Officer ng lalawigan, dumating kagabi ang 56 na delegado galing Leyte, 29 galing Maasin, at 4 galing sa Tagbilaran. Dumating rin sa bayan ng Romblon ang halos 100 officials ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Magsisimula ang palaro sa darating na Linggo, August 23 hanggang Biyernes, August 28.

Inaasahan namang darating bukas ang ilan...

Lalakeng wanted sa kasong attempted homicide, nadakip ng Magdiwang MPS

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Photo Courtesy of PNP Magdiwang

Timbog ang lalakeng may kasong Attempted Homicide sa bayan ng Barangay Agutay, Magdiwang, Romblon pasado ala-una ng hapon nitong nakaraang Linggo, August 16.

Nakilala ang naaresto na si Andres Relox Gajisan, 46 years old, at residente ng Barangay Magtanggol, Bansud, Oriental Mindoro.

Ayon sa Magdiwang Municipal Police Office, nahuli nila si Andres Relox Gajisan na may kaso sa Oriental Mindoro sa bisa ng isang warrant of arrest MCTC Bansud-Gloria noong July 14, 2015.

Hawak na ng Magdiwang MPS ang suspek at maari siyang makalaya kung makapag piyansa...

Bahay natumbahan ng puno dahil sa malalakas na hangin

Written by Chelsea Lilang | Romblon News

by Chelsea Lilang, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Laking pasasalamat ng pamilya ni Eufracio Felia Jr. ng Barangay Progresso Weste, Odiongan, Romblon dahil hindi sila nasaktan matapos matumbahan ang tinitirhang bahay ng isang puno ng niyog kanina pasado alas-2 ng hapon.

Ayon kay Felia, natutulog umano sila ng biglang bumagsak ang puno ng niyog sa bubungan nila kanina habang kasagsagan ng malakas na ulan at hanging dala ng habagat.

Agad namang naipatanggal ito ng mga opisyales ng Barangay na nagresponde agad matapos matanggap ang balita.

Pinag-iingat naman ni Barangay Captain Demiciano Batoy Sr. ang mga residente ng Progresso Weste sa maaari...

Mga biyahe ng bangka, kanselado dahil sa habagat

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey Tapao, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Mahigit 20 katao ang stranded sa pantalan ng San Agustin sa Tablas Island matapos kanselahin ang biyahe ng mga maliliit na bangka at ng M/V Maria Querobin ngayong araw.

Ayon sa pamunuan ng Coast Guard Station -  Romblon, malalakas ang alon sa karagatang sakop ng probinsya kaya ipinagbabawal munang bumiyahe ang mga pumpboats upang makaiwas sa ano mang sakuna.

Kasalukuyan ring nakakaranas ng power interruption ang buong bayan ng San Agustin epekto ng malalakas na hangin at pabugsu-bugsong buhos ng ulan sa lugar.

Naka standby na rin ang mga awtoridad sakaling magkaroon...

PNP-MIMAROPA naghahanap ng dagdag na tauhan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 21 August, 2015

Naghahanap ng mga bagong tauhan ang Regional Office Philippine National Police - MIMAROPA para punan ang mga bakanteng pwesto.

Ayon sa memorandum na permado ni Police Superintendent Kirby John Kraft, OIC ng Regional Persnal and Human Resource Development Division ng PNP MIMAROPA, kailangan nila ng mga lalakeng aplikante para ilagay sa Public Safety Forces (PSF) at sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

Aabot ng 112 na bagong pulis ang kailangan ng PNP.

Para sa mga gustong mag apply maari kayong magpasa ng mga requirments sa Romblon Provincial Police Office sa Romblon,...

PDEA MIMAROPA naghahanap ng bagong agents

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Naghahanap ng mga matatapang na babae at lalake ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA para sumali sa pagsugpo ng druga sa rehiyon.

Ayon kay Grace Lano, information officer ng PDEA-MIMAROPA, tumatanggap na ng aplikasyon ang opisina para sa mga gustong maging agents.

500 na bagong agents umano ang hinahanap ng opisina.

Para sa mga gustong mag apply dapat kayo ay 21 to 35 years old, college graduate, civil service board passer, at may taas na 5'3" para sa lalake at 5' para sa babae.

Maaring mag pasa ang mga...

Baboy, nilapa umano ng aswang ayon sa may-ari

Written by Romblon News

by RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Isang baboy ang nilapa di umano ng isang aswang pasado alas-7 ngayong gabi sa Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Ayon sa may-ari ng baboy na si Nelson Amar, pupuntahan sana ng asawa niya ang alagang baboy para kamustahin ngunit nabigla ang kanyang asawa matapos makita ang nakahilatang baboy. Meron itong mga kalmot sa katawan at meron ring malaking butas sa may bahagi ng tiyan kung saan andun ang atay at puso.

Hindi naman naniniwala ang ilang mga nakakita sa baboy na aswang ang lumapa sa alaga ni Amar. Maari umanong aso o malaking bayawak...

Halos apat na oras na brownout, mararanasan sa Tablas Island sa Sabado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Halos apat na oras ang mararanasan na brownout sa apat na bayan sa Romblon ngayong Sabado, August 22.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, ang mangyayaring brownout ay dahilan ng isasagawang pagkokompleto ng pag install ng SUWECO Power Plant tapping sa TIELCO distribution line bilang paghahanda sa phase in at phase out transition ng NAPOCOR at SUWECO.

Magsisimula ang brownout 8:30 ng umaga at magtatapos 11 ng umaga.

Ang mga apektado na lugar ay ang mga Brgy. ng Gabawan, Libertad, Tuburan, Tumingad, at Panique sa...

Mga kasama ni Rezin Galicha sa RSU, nagsagawa ng vigil sa lugar kung saan siya pinaslang

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Wednesday, 19 August, 2015

Nagsagawa ng vigil kanina ang mga estudyante at guro ng College of Arts and Sciences sa boarding house na kung saan pinatay ang isa sa mga kasama nilang si Rezin Galicha.

Nagtirik ng kandila at nagsuot ng mga kulay itim at puti na damit ang mga estudyante.

Sabay-sabay rin silang isinigaw at ipinanalangin ang hustisya para sa kaluluwa ni Rezin.

Hindi naman napigilan ng ilang mga malalapit na kaklase ni Rezin ang emosyon habang nagtitirik sila ng kandila.

Ilan naman ang bumulong sa mga kandila nila ng "Happy Birthday Rezin"...

Task Force KIWKIW, binuo ng PNP

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Bumuo ng task force ang mga awtoridad sa Odiongan para mas matutukan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Rezin Galicha.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, nagsagawa ng close door conference ang mga awtoridad kaninang umaga, dito rin nila binuo ang TASK FORCE KIWKIW na tututok sa imbestigasyon.

Palaisipan pa rin sa mga awtoridad kung ano ang motibo sa nangyaring pagpatay. 

Inalis na rin ng mga awtoridad ang anggulong pagnanakaw at rape.

"Malabo na may nangyaring nakawan kasi hindi nawala ang pera at ano mang mahahalagang gamit ng mga biktima....

Jeep, nahulog sa gilid ng kalsada matapos umiwas sa kasalubong na motorsiklo

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Nagkasira-sira ang maliit na tulay na nagkokonekta sa isang bahay at kalsada matapos na arurihin ng isang jeep kaninang madaling araw sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.

Ayon sa kwento ng ilang saksi, mabagal naman ang patakbo ng jeep na may plate number na VVA 330 ngunit nahulog ito matapos iwisan ang kasalubong na motorsiklo.

"Gumagawa ako ng motor kagabi, nangyari yan mga pasado 12. Mahina ang takbo niyan ngayon namalayan ko binagsak siya na parang yero." ayon sa isang saksi.

Patungo sana ang jeep sa Poctoy Port galing San Andres...

Reenacment, isinagawa sa bahay kung saan pinatay si Rezin Galicha

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August, 2015

Para mas maintidihan ng mga awtoridad kung paano pinatay si Rezin Galicha sa boarding house sa loob ng Romblon State University Main Campus nitong Martes, August 18, nagsagawa sila ng re-enacment base sa salaysay ng pinsan ni Galicha na tumatayong witness sa krimen.

Ipinaliwanag ng witness kung paano siya nagising hanggang sa kung paano tumakas ang suspek at kung paano siya nakahingi ng tulong.

Ayon naman kay Senior Police Inspector Alvimar Flores ng Odiongan Municipal Police Station, patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa kaso.

Sinabi niya rin na may mga...

Mga Netizens sa Romblon, humihiling rin ng hustisya sa pagpatay kay Rezin Galicha

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August, 2015

Dinala ng mga galit na mga netizens ang pakikiramay kay Rezin Galicha, ang estudyante ng Romblon State University na walang habas na pinagpapatay sa loob ng kanyang boarding house nitong Martes ng madaling araw.

Umaga palang ng Martes ng magsimula ng magtrending sa Facebook ang #JusticefoRezin.

 

Isa lang naman syang estudyante,nangarap makapagtapos ng pag aaral,nagsisikap kahit malayo ang Alcantara sa...

Posted by KAieska Ayiesha on Tuesday, 18 August 2015
 

--Ang BIOLOGY Student Society po ay lubos na nakikiramay sa nanyari sa isa sa aming masipag at simpleng Sentinel Rezin...

...

College of Arts and Sciences, kinundina ang pagpatay kay Rezin Galicha

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Wednesday, 19 August, 2015

Kinundina ng pamunuan ng College of Arts and Sciences ng Romblon State University ang pamamaslang kay Rezin Galicha na isa sa kanilang estudyante.

Sa isinagawang general meeting kanina sa lobby ng kanilang building sa campus, sinabi ni Dr. Mario A Fetalver, dean ng College, na hindi katangap-tangap ang nangyari kay Galicha.

"Hindi katangap-tangap ang karumal-dumal na pagpatay kay Rezin. Napakabait ni Rezin", ayon kay Dr. Fetalver.

Hindi naman napigilan ni Dr. Fetalver na umiyak habang inaalala ang isa sa nga estudyanteng malapit sakanya.

"Simula First Year, Second Year, hanggang Third...

Siguridad ng Romblon State University Main Campus, mas hinigpitan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August 2015

Naghigpit naman sa siguridad ang pamunuan ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon matapos na malooban ang isang boarding house na nasa loob ng campus na nagresulta sa pagkakasaksak at pagkapatay sa isang BS Bio student na natutulog sa nasabing paupahan.

Kagabi, halos bantay sarado ang mga gwardya ng campus dahil may palabas ang College of Engineering and Technology sa RSU Quadrangle.

Hinahanapan ng mga naka duty na gwardya ang lahat ng pumapasok sa campus mapa estudyante man o bisita. Binubuksan na rin ang mga bag na dala...

Mga kapulisan sa Odiongan, 101% effort na ang ibinibigay para maresolba ang kasong pagpatay sa isang estudyante ng RSU

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August 2015

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station sa nangyaring pagpatay sa isang estudyanteng babae ng Romblon State University, madaling araw kahapon, August 18.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores ng OMPS, nakikipagtulungan na sila sa Romblon Intelligence and Investigation Group para sa mabilisang pagresolba sa kaso.

Dagdag pa ni PSInsp Flores, nagrequest na ang kanilang opisina sa SOCO ng autopsy para malaman kung ano ang ikinimatay ng biktima at malaman ang ginamit na murder weapon.

Ayon naman sa isang reliable source ng Romblon News, nagtamo ang biktima...

Estudyante ng RSU, patay matapos pagsasaksakin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, August 18, 2015

Patay matapos magtamo ng multiple stab wounds ang isang BS Bio Student ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon matapos na pasukin ang tinitirhan nilang board house sa loob ng campus kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station na ibinigay sa Romblon News, pasado ala-una kanina ng magsisigaw ang kasamang babae ng biktima at humihingi ng tulong sa mga kapit-bahay.

Ginising umano siya ng kakaibang tunog at pagbangon niya nakita niya na may isang lalakeng sinasaksak na ang kanyang pinsan na si Rezin Galicha,...

Kaso ng Dengue sa Romblon, halos 50% na ang itinaas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, August 18, 2015

Umangat ng halos 50% ang mga tinamaan ng sakit na dengue sa lalawigan ng Romblon ngayong taon ayon sa datus ng Provincial Health Office ng Romblon.

Batay sa pinakabagong tala ng PHO-Romblon simula Janauary hanggang August 13, meron nang 127 na tao sa buong Romblon ang tinamaan ng sakit mas mataas kesa sa datus noong nakaraang taon.

Ayon kay Dra. Erlinda Aguirre ng PHO-Romblon, tinututukan nila ngayon ang tatlong bayan ng San Agustin (22), Odiongan (30), at Looc (20) kung saan marami na ang naitalang kaso ng dengue.

"Ang kaso...

6 barangay sa Romblon, sinanay ukol sa kahandaan sa kalamidad

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 17 August 2015

Sumailalim sa dalawang araw na disaster preparedness training/seminar ang anim na barangay sa bayan ng Romblon sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Council na ginanap kamakailan sa covered court ng Romblon Public Plaza.

Layunin ng pagsasanay na matalakay sa mga Barangay DRRM Council ang kahandaan sa anumang kalamidad gaya ng lindol, bagyo, storm surge, pagbaha at pagguho ng lupa na posibleng mangyari sa kanilang nasasakupan.

Ang mga lumahok sa naturang aktibidad ay mga miyembro ng BDRRMC ng mga sumusunod na barangay: Cobrador, Alad, Logbon, Agtonggo, Agbudia at Guimpingan.

...

285 enumerators, trabahong alok ng DSWD-Mimaropa

Written by Lyndon Plantilla, Philippine Information Agency

May inaalok na pagkakataon ang Department of Social Welfare and Development-Mimaropa (DSWD-Mimaropa) para makatulong sa mga naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga kababayang nabibilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Kailangan ng DSWD-Mimaropa ng may 285 enumerators para sa gaganaping Social Welfare and Development Indicators Assessment sa buong rehiyon.

Umabot sa 199,788 ang bilang ng mga pamilyang naka-enroll sa 4PS. Pangunahing tungkulin ng mga enumerator ay makakuha ng impormasyon sa mga kakapanayaming pamilya gamit ang SWDI form. Ang makakalap na impormasyon ay gagamitin sa pagsusuri ng kalagaya ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Ang mga enumerator na magtratrabaho sa...

DOST-Mimaropa hinikayat ang mga taga probinsya na magtrabaho online

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, August 16, 2015

Hinihikayat ng Department of Science and Technology - MIMAROPA ang mga taga probinsya na gumamit ng Internet bilang alternatibong paraan upang kumita.

Sa isang pahayag ni DOST Mimaropa Regional Director Josefina Abilay sa Philippine Information Agency (PIA), sinabi nitong maraming online na trabaho kaya hindi na kailangang umalis pa ng probinsya ang mga gustong maghanap ng trabaho.

Isa sa mga ibinahaging halimbawa ni Director Alibay ang trabahong medical transcription na kung saan kahit mga Ina ng tahanan ay kayang gawin kahit nagbabantay pa ng mga maliliit na bata.

Ngayong buwan naman...

113th Proclamation Anniversary ng IFI, ginunita sa Romblon

Written by Reden Escarilla | Romblon News

Muli nanamang nagka-isa ang mga mananamapalatayang Aglipayano ng ipagdiwang ng kanilang simbhan ang ika-113 proklamasyon nito ngayong araw, August 15.

Sinimulan ang provincial-wide na selebrasyon ng Simbahan sa Romblon sa pamamagitan ng isang motorcade galing Odiongan patungong San Andres na kung saan venue ng selebrasyon.

Pormal na binuksan ang programa ni Romblon Bishop Ronelio Fabriquer at ni Bagong Palawan Bishop Fodulla sa pamamagitan ng isang misang pasasalamat.

Umabot ng halos 4,000 katao ang dumalo sa gawain.

Dinaluhan rin ito ng mga personalidad at politiko katulad nila Congressman Eleandro Madrona na nagbigay pa ng solidarity message, Vice Governor Otik Reaño, Odiongan...

Bidding para sa pag-upgrade sa Starboard Auxiliary Engines ng BRP Romblon, inanunsyo ng PCG

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, August 15, 2015

(Photo: Photobucket/filipinas40)

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang paghahanap ng mga bidders sa pagsasaayos ng BRP Romblon (SAR3503).

Ayon sa Philippine Coast Guard, maglalaan umano sila ng Php3,495,067.23 para sa starboard auxiliary engines ng BRP-Romblon.

Sa inilabas na artikulo ng AngMalaya.Net, ang mananalong bidder ay inaatasang mag deliver ng mga gamit sa loob ng 45 days.

Ang BRP-Romblon ay 35-meter, all-aluminum patrol boat ng Philippine Coast Guard na dinesyo ng Tenix Shipbuilding sa Australia.

Magsisimula ang bidding sa September 01, 9am sa Philippine Coast Guard Conference Room, 2F Admin Building, 139 25th...

DTI-MIMAROPA Monitoring and Enforcement Team, nag inpeksyon sa Tablas Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News/Mary Grace H. Fontelo, PIO-DTI Romblon | Saturday, 15 August 2015

Nagikot ang nga tauhan ng DTI-MIMAROPA sa Tablas Island nitong buong Linggo upang mag inspeksyon sa mga tindahan. (Photo: DTI-ROMBLON)

Apat na araw na nag-ikot ang Regional Monitoring and Enforcement Team (RMET) ng Department of Trade and Industry - MIMAROPA sa Tablas Island, Romblon mula nitong August 10 hanggang August 13 upang mag-inspeksyon sa mga produktong itinitinda sa mga malalaking tindahan sa Isla.

Binisita ng grupong binubuo ng mga team leader galing sa DTI-Marinduque, at mga representatives ng DTI-Occidental Mindoro and DTI-Regional Office ang mga bayan...

Driver Licensing ng LTO dinala ng Pinamalayan sa Sibale Island

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Friday, August 14, 2015

(Photo Courtesy: Hon. Reinhart Famarin)

Nagsasagawa ngayong ika-14 at 15 ng Agosto ng pagpoproseso at pagkakaloob ng student driver's license permit gayon din ang pagbabahagi ng tamang kaalaman tungkol sa 'Traffic Rules and Regulations' ang ilang kawani ng LTO-Pinamalayan Extension Office sa pangunguna nina Mr. Joseph Abes at Ms. Genevieve Pascual sa bayan ng Sibale.

Bunsod ito ng ipinasang panukala ni Kon. Reinhart Famarin na humihiling sa Land Transportation Office (LTO) - MIMAROPA na magsagawa ng 'Driver Licensing' at ' Information Campaign' sa nasabing bayan.

Layon nito na magkaroon ng sapat...

No. 9 most wanted person ng Romblon, kusang sumuko sa mga kapulisan ng Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, August 14, 2015

Kusang sumuko nitong Lunes sa mga kapulisan ng Sta. Fe, Romblon ang Number 9 Most Wanted Person (MWP) sa Romblon na nakilalang si Neil Santiago Macho, 24 years old at residente ng Barangay Danao Sur, Sta. Fe, Romblon.

Sumuko si Machon sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Madrid.

Si Machon ay kinasuhan ng rape sa RTC Branch 82 Odiongan noong 2014 matapos di umanoy gahasain ang 14-years old na dalagita.

Walang piyansa ang nasabing kaso.

...

No. 5 most wanted ng Romblon, arestado sa Oriental Mindoro

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, August 14, 2015

Nadakip ang No.5 MWP sa Romblon na si Lino Doroy sa Oriental Mindoro nitong Lunes. | Photo: Romblon PPO

Nadakip noong Lunes ng gabi, Aug. 10 sa Barangay Dulangan Dos Baco, Oriental Mindoro ang Number 5 Most Wanted Person (MWP) ng Probinsya ng Romblon matapos ang halos dalawang taong pagtatago.

Nadakip si Doroy ng pinagsamang lakas ng Romblon Provincial Police Office, San Agustin Muicipal Police Station, Baco Municipal Police Station at Oriental Mindoro Provincial Police Office.

Ang suspek na nakilalang si Lino Madamo Doroy alyas 'Untiam', 45 taong gulang ay may...

Mga imbentor ng Minero, hinihikayat ang mga taga Romblon na subukan ang laro

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, August 14, 2015

Matapos na ibahagi na sa publiko ng mga imbentor ng Minero Mind Sport ang nasabing laro, masaya nilang inaalok ng mga sumusunod ang mga Romblomanon:

1. Magpakahusay sa Abstract Reasoning. Ang Minero ay tiyak na makakatulong para mapahusay kayo at malinang pa rin ang inyong creative mind.

2. Maging Player at Kampeon. Hindi ka lang maging tatapanood kung ikaw na mismo ang magiging player, at maari ka pang maging kampeon, o (who knows) future WORLD CHAPION nito.

3. Bumili na ng Minero Board. Ang package of history ay nagkakahalaga ng...

Minero, ang mind sport na gawang Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, August 14, 2015

Kilala ang Pilipinas bilang lugar ng mga batikan sa mga board games katulad chess, at dama.

Pero alam ba ninyo na may naimbento rin sa Romblon na ganitong laro? Ito ay ang Minero, isang boardgame na hinubog ng halos 25 years ng mga imbentor nito na pinangungunahan ni Jose Luis Morales, tubong Alcantara, Romblon.

Paliwanag ng mga imbentor nito, ang Minero ay orihinal na inimbento upang maging inter-arctive training work book sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga tao sa tinatawag na abstract reasoning, gayunman ay natuklasn na lamang ng mga...

DILG Seal of Good Local Governance, nakamit ng lalawigan ng Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 13 August 2015

Nakamit ng probinsiya ng Romblon ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal.

Kalakip ng parangal na ito ang P7 milyon na ilalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaang panlalawigan.

Ang SGLG ay isang malaking hamon ng DILG para sa pamahalaang lokal upang mas mapabuti pa ang pamamalakad, maipagpatuloy ang maayos na pagganap ng pagiging bukas (transparent) at may pananagutan sa paggamit ng pondo, makapaghanda sa banta ng kalamidad, maipakita ang...

Dr. Sespeñe, hindi apektado sa desisyon ng korte na nagpapawalangbisa sa pagkapangulo nito ng PSU

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, August 12, 2015

Screencap from TV Patrol Palawan

"I am not affected, kasi.. hindi naman ako ang kinasuhan eh."

Yan ang binitiwang pahayag ni Dr. Jeter Sespeñe sa mga miyembro ng media sa ipinatawag nitong Press Conference sa loob ng Palawan State University ngayong araw upang magbigay ng opisyal na pahayag kaugnay sa desisyon ng Regional Trial Court Branch 52 ng Palawan na nagpapawalang bisa sa pagkapangulo nito ng PSU.

July 24, 2015 nang maglabas ng desisyon ang RTC Branch 52 na nagpapawalang bisa sa nangyaring special meeting ng PSU Board of Regents...

Kooperatiba sa Sibale, namahagi ng libro sa mga mag-aaral

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Tuesday, August 11, 2015

Kamakailan ay namahagi ang mga miyembro ng Kusog Sibalenhon, Inc. ng mga libro at mga gamit pang-iskuwela sa mga mag-aaral ng pampublikong elementarya ng Barangay San Vincente sa bayan ng Concepcion na lubos namang ikinatuwa ng mga bata, guro at mga magulang.

Ang Kusog Sibalenhon ay isang kooperatiba na naitatag sa tulong ni Dir. Nicon Fameronag ng Department of Labor and Employement, walong (8) taon na ang nakakaraan at pinamumunuan ngayon ni Mr. Harold Fuedo bilang Presidente, Mr. Chito Fabellon bilang Bise, at ni Mr. Romy Senorin bilang Project...

Sunod-sunod na panloloob sa mga bahay, naitala sa Barangay Tumingad sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, August 11, 2015

Nabahala ang mga residente ng Barangay Tumingad sa bayan ng Odiongan matapos ang sunod-sunod na nakawan at panloloob sa mga bahay roon.

Dalawang lalake umano na naka-bonnet at mga tagalog mag-salita ang mga nanloloob sa ilang mga bahay sa lugar.

Nitong nakaraang July, halos tatlong (3) bahay ang nilooban ng mga nasabing lalake hiwalay pa rito ang ilang mga tinangkang looban. Isa ring kambing ang umanoy ninakaw sa isa sa mga residente ng lugar.

Ayon naman kay Barangay Captain Louie Falcunit, nagpaikot na siya ng mga barangay tanod...

Pagkakahalal kay Sespeñe bilang Presidente ng PSU, Pinawalang Bisa ng Korte

Written by Romblon News

by RomblonNews | Tuesday, August 11, 2015

Source: The Palawan Times

Pinawalang bisa ng Regional Trial Court ng Palawan ang pagkakahalal kay Dr. Jeter Sespeñe bilang Presidente ng Palawan State University (PSU) bilang pagsang-ayon sa kasong isinampa ng dating grupo ni Executive Vice-President Erlinda Ganapin kaugnay sa umanoy illegal na election for president na isinagawa ng Board of Regents noong November 2011.

Photo: The Palawan Times

Ayon sa 28-pahinang desisyon ni Judge Angelo R. Arizala ng RTC Branch 52, naglagay daw kasi ng mga taong hindi qualified sa board of regeants kasama rito ang pag-upo ni Commision on High Education...

Romblon, magkakaroon na ng Miss Philippines Earth Beauty Pageant

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 10 August 2015

Opisyal ng inanunsyo ni Mr. Reynaldo Fradejas ang pagkakaroon ng franchise ng lalawigan ng Romblon sa Miss Philippines Earth Beauty Pageant na hinahawakan ng Carousel Production Inc. Ang Miss Philippines Earth ay isang national beauty pageant na kung saan naglalaban-laban ang iba't ibang munisipyo, probinsya at syudad para sa isang mithiin, ang tanghalin bilang Miss Philippines Earth.

Ayon sa pamunuan ng Miss Philippines Earth-Romblon, ang malaking beauty pageant ngayong taon ay magiging daan para sa patuloy na pagsulong ng turismo sa lalawigan.

Sa isang pahayag na inilabas ng pamunuan...

Masamang panahon, buong araw naranasan sa lalawigan kahapon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 10 August 2015

Masamang panahon ang halos buong araw na naranasan sa lalawigan ng Romblon, kahapon, August 09.

Sa bayan ng Odiongan, Romblon; halos mag zero visibility na ang mga kalye dahil sa malakas na naranasan na ulan pasado alas-3 ng hapon.

Ilang mangingisda naman ang pinilit paring pumalaot sa kabila ng malakas ng ulan.

Sa bayan naman ng Ferrol, Romblon; halos umapaw na ang mga palayan dahil sa tuloy tuloy na pag-uulan sa lugar.

Ayon kay Bebito Gado, Romblon News Correspondent, naging masaya ang mga magsasaka na hindi pa nagtatanim dahil...

Libreng pagsasanay, isasagawa ng TESDA sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Sunday, 09 August 2015

Magsasagawa ng libreng National TVET (Technical Vocational Education and Training) competency assessment at certification (NATCAC) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buwan ng Agosto at Nobyembre sa lalawigan ng Romblon.

Sinabi ni Rochelle B. Zulueta, Technical Education and Skills Development Specialist ng TESDA Romblon na ang competency assessment sa ilalim ng National TVET Competency Assessment and Certification (NATCAC) Program ay tatlong beses isinasagawa kada taon.

Ang competency assessment and certification na gagawin sa probinsiya ng Romblon ay gaganapin sa sumusunod na mga lugar: Alcantara National...

Lalake, huli sa buy bust operation ng PNP sa Magdiwang

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Satuday, 08 August 2015

Nahulihan ng shabu ang isang lalake sa isang buy-bust operation sa Magdiwang | Photo Courtesy: Magdiwang MPS

Napasakamay ng pulisya ang isang lalakeng hinihinalang tulak ng shabu sa bayan ng Magdiwang, Romblon kahapon.

Ito ay matapos magsagawa ng buy bust operation ang Magdiwang Municipal Police Station kasama ang PDEA Romblon sa Sitio Riverside, Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon pasado alas-5 ng hapon kahapon.

Ayon sa Police Report ng Magdiwang Municipal Police Station, nakilala ang nahuli na si Joseph Patiño, 48 years old, residente ng Barangay Poblacion.

Nakuha sa kanya ang...

11 Bhraman na baka, ipinamahagi ng DA sa mga magsasaka sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

Ipinamahagi kamakailan ng Office of the Municipal Agriculturist sa bayan ng Romblon ang 11 Bhraman na baka sa mga miyembro ng farmers association o organisasyon ng magsasaka ng iba't ibang barangay.

Ang proyektong ito ay kaloob sa mga magbubukid ng Department of Agriculture sa ilalim ng Bottom-Up-Budgeting Approach na pinondohan ng humigit kumulang kalahating milyon.

Sinabi ni Municipal Agriculturist Arturo M. Gutierrez na layunin ng nasabing proyekto na umasenso ang mga ordinaryong magsasaka sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baka. Itinuro rin sa mga benepisyaryo ang makabagong teknolohiya sa pangangalaga ng naturang hayop upang mabilis ang paglaki at pagdami nito.

Batay...

Dalaga, todas sa apo ng Governador

Written by Romblon News

Source: Pilipino Star Ngayon

inutas ng apo ng gobinutas ng apo ng gob

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na kolehiyala matapos itong barilin sa ulo ng kanyang manliligaw na sinasabing apo ng gobernador saka itinapon sa bakanteng lote sa Barangay San Cristobal sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte noong Lunes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni P/Senior Insp. Joseph dela Cruz, hepe ng Sarrat PNP, huling nakitang buhay ang biktimang si Keiza Mata Andres na lulan ng Mitsubishi Montero SUV na minamaneho ng suspek na si Francis Domingo Ortega na may ilang kaibigang kasama.

Nabatid na si Andres ay estudyante sa...

SSS-Odiongan nagbigay ng pagsusulit sa mga nais maging kawani nito

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 06 August 2015

Ang Social Security System (SSS) Odiongan Branch ay nagbigay ng pagsusulit para sa mga nagnanais na maging service bureau personnel ng nasabing ahensiya na ginanap kahapon sa LFH Suite Promenade, J.P. Laurel St., Cocoville, Bgy. Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ayon sa pamunuan ng SSS Odiongan Branch, kasalukuyang naghahanap ang kanilang tanggapan ng mga kawani na tutulong mapabuti ang kanilang operasyon sa buong lalawigan ng Romblon.

Ang written exam ay kinakailangang maipasa ng mga kwalipikadong aplikante bago ito sumabak sa final interview ng manager at kailangan din nitong maisumite ang...

Mga tinamaan ng Dengue sa Romblon, pumalo na sa 106

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 06 August 2015

Mas lumaki pa sa unang linggo ng Agosto ang mga tinamaan ng sakit na dengue sa buong lalawigan ng Romblon.

Batay sa taya ng Provincial Epidemiological and Surveillance Unit ng Department of Health - Romblon, pumalo na sa 106 ang mga tinamaan ng dengue simula January hanggang August 03.

Sampu naman sa mga tinamaan ng dengue ay mga estudyante ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon.

Ayon naman kay Ralph Falculan ng Department of Health MIMAROPA, biglang tumaas ang mga tinamaan ng sakit noong nakaraang buwan dahil sa maaring...

Tatlong bayan sa Tablas Island, walong oras mawawalan ng kuryente sa Biyernes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 06 August 2015

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa silanggang bahagi ng Tablas Island, Romblon buong araw ng Biyernes, August 07.

Ayon sa anunsyo ng TIELCO, apektado ng walang oras na brownout ang Barangay Agpudlos sa San Andres, buong Munisipalidad ng Calatrava, at buong Munisipalidad ng San Agustin maliban sa Barangay Bachawan at Camantaya.

Ang nasabing power interruption ay dahilan ng ng isasagawang pag-aayos sa tapping pole sa Sitio Lower Agbadyang at Lower Campo sa Barangay Agpudlos sa bayan...

Online Events Management

Written by Ressie S Fos | Romblon News

by Ressie Fos, RNN Managing Editor | Thursday, August 6, 2015

event managementevent management

Dahil sa hangarin ng Romblon News Network (RNN) na patuloy na magbigay ng mga kapaki-pakinabang na serbisyong online para po sa inyong lahat, naglunsad po kami ng Online Event Management application kung saan ay maaari itong gamitin ng sinumang may events at kailangang magkaroon ng reservation o booking ang mga imbitado. Ang events ay maaaring kabilangan ng mga seminar, trainings, birthdays, reunions, church fellowship, binyag, at iba pa. 

Ito po ay libreng gamitin. Try this out now!

Kontakin lamang po kami pag meron po kayong mga katanungan. Maraming salamat po. 

...

44 magsasaka nagtapos sa Farmer Field School ng DA sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 04 August 2015

Apatnapu’t apat na mga magsasaka mula sa Bgy. Tuguis, Odiongan at Bgy. Mat-i, Santa Fe ang nagtapos kamakailan sa Season -Long Farmers Field on Corn Production ng Department of Agriculture na nag-aral sa loob ng apat na buwan.

Ang Farmer Field School ng DA-4B Regional Corn Program ay may temang “Kasaganaan ng Sakahan at Kalikasan” ay naging matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Romblon provincial government at lokal na pamahalaang ng Odiongan at Santa Fe.

Layunin ng naturang programa na mapaganda ang kalidad at maiangat ang produksiyon ng...

Madrona pushes tobacco price ceiling

Written by Romblon News

Source: POLITIKO.COM.PH | Monday, 03 August 2015

budoymadronabudoymadrona

Romblon Rep. Eleandro Madrona is urging anti-tobacco groups to support his bill mandating a minimum cigarette price (MCP) on cigarettes.

Mendoza said the MCP would stop cigarette manufacturers from coming up with cheaper brands that are more affordable to smokers, particularly the youth.

“UP professors are saying that smoking goes unabated in the country because of cheap cigarettes. Anti-tobacco groups are worried that new cheap brands by tobacco players would further lure more smokers. My answer to that is to require a minimum cigarette price,” the Romblon lawmaker said in a story published...

3 Bayan sa Tablas Island, makakaranas ng brownout bukas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 03 August 2015

Makakaranas ng 4-hours brownout ang tatlong bayan sa Tablas Island, Romblon bukas, August 04.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, dahilan ito ng isasagawang pagaayos sa tapping pole sa Sitio Bugtong-Bukid sa Barangay Madalag, Alcantara, Romblon bukas.

Apektado ng brownout ang buong bayan ng Alcantara at Sta. Maria habang Barangay Bachawan at Camantaya naman sa bayan ng San Agustin.

Magsisimula ang brownout alas-8 ng umaga at magtatagal hanggang 12:00NN.

...

Romblomanong OFW umuwi galing Qatar, nawalan ng pera at dukomento sa NAIA

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 02 August 2015

Nawalan ng mahigit P130,000 at iba pang importanteng dukomento pagbaba ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules.

Ayon kay John Michael Fabello, itinago niya ang kanyang pera at mga mahahalagang dokumento sa pouch na inilagay naman sa loob ng kanyang backpack. Kasama sa mga importanteng dokumento ay ang passbook, overseas employment certificate at exit pass.

Inilagay niya umano ang backpack sa kanyang kinuhang cart at iniwang sandali habang nag-aantay sa iba pa niyang bagahe. Halos 1 metro lang ang layo ang kinuha niyang cart sa kanya...