Filter

Dalawang mangingisda, nawawala sa laot simula pa nitong Lunes

Written by Weng Yolape

Dalawang mangingisda sa bayan ng Magdiwang, Romblon ang nareport sa munisipyo kahapon, ang di umanoy nawawala sa laot simula pa nitong Lunes ng umaga.

Ang dalawang mangingisdang ay kinilalang sina Teolifo Diamos, 21 years old; at Jomar De Juan, 19 years old, pawang residente ng Sitio Tabuk, Barangay Tampayan, Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon.

Sakay ang dalawa ng bangkang may pangalang Matt Zyron na may kulang na Puti at Orange.

Nagsagawa na rin ng rescue operation kahapon ang mga tauhan ng Coast Guard Sub Station sa Magdiwang, at mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ngunit bigo silang...

Mala-tuhod na baha, gumising sa ilang residente ng San Fernando ngayong umaga

Written by Joseph Gutierrez | Romblon News

by Joseph Gutierrez, RomblonNews | Wednesday, 23 September 2015 (2nd Update)

Humupa na ang mala-tuhod na baha na tumama sa dalawang barangay sa San Fernando, Romblon kaninang madaling araw dahil sa tuloy-tuloy na ulan simula pa kagabi.

Ayon sa Facebook Post ng Babaya Sibuyanon, ang nasabing barangay ay ang Barangay Poblacion at Azagra.

Ayon naman kay Barangay Captain Bobby Relox ng Barangay Poblacion, tumaas ang baha kaninang madaling araw ngunit agad namang humupa ng humina ang ulan.

Ilang mga may-ari ng tindahan sa palengke ang maaga nagising upang mag linis sa kanilang mga pwesto matapos maabot ng tubig baha.

Sa kasalukuyan,...

No Brownout in Tablas Island for 3 Days?

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 15 September 2015

Tatlong araw nang hindi nakakaranas ng power interruption ang buong Tablas Island.

Ito ay kasunod ng isinagawang maintenance ng dalawang planta nitong nakaraang Sabado, September 12.

Ayon sa pamunuan ng TIELCO nitong mga naunang interview sa Romblon News, sinabi nilang ang power synchronization ang problema kaya madalas na nagkakaroon ng brownout sa Isla lalo na kapag peak time.

Sa isinagawang maintenance, gumawa ng dedicated lines ang TIELCO para maiwasan na ang brownout. Ito ay ang mga sumusunod, Feeder I (Gabawan to Camantaya) at Feeder IV (Pato-o, Dapawan, Amatong, Timbaon, Bangon to...

PE Director ng RSU, isinugod sa RPH matapos maaksidente

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isinugod sa Romblon Provincial Hospital si Daniel Fabello, Director ng PE Department ng Romblon State University matapos maaksidente pasado alas-9 ngayong gabi sa Barangay Poctoy.

Ayon sa ilang nakasaksi sa aksidente, papauwi na umano sana ng Barangay Tuburan si Fabello ngunit bigla umanong may tumawid na babae galing sa isang burol at kanya itong nasalpuk.

Nagkawasak-wasak ang ilang bahagi ng motorsiklo ni Fabello.

Malaking tulong rin at may suot na helmet si Febello habang nasa biyahe at hindi nagtamo ng malalang sugat sa ulo.

Problemado naman ang ilang nakausap ng Romblon News sa pamilya ni Fabello dahil sa susunod na...

DOLE IV-B grants second WODP scholarship for Romblon

Written by Romblon News

by RomblonNews with reports from Renell Mayo of DOLE-Romblon | Tuesday, 08 September 2015

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-B sa pangunguna ni Regional Director Teodoro Delson ang isang estudyante ng Romblon State University San Fernando Campus sa Sibuyan Island ng Workers Organization Development Program (WODP) Scholarship.

Ang nasabing estudyante ay i Ms. Charise A. Amistoso, 21 years old, miyembro at secretary ng Otod Producers and Traders Multi Purpose Cooperative (OPTRA MPC).

Si Ms. Amistoso ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Elementary Education (BEEd) ngunit lilipat siya sa susunod na semester sa Bachelor of Secondary Education (BSEd) major in Bilogoly o Physics...

DOLE IV-B awards 3.9M to 13 livelihood projects in San Fernando, Romblon

Written by Romblon News

by RomblonNews with reports from Renell Mayo of DOLE-Romblon | Tuesday, 08 September 2015

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-B sa pamamagitan ng DOLE Romblon Field Office ang 13 associations sa San Fernando, Romblon ng Php 3,973,051.00 para sa kanilang livelihood projects.

Inabot ito nina DOLE IV-B Regional Director Teodoro Delso kina Mayor Salem Tansingo at mga opisyal ng mga association nitong August 14 sa Municipal Auditorium, Poblacion, Romblon.

Sa taya ng Department of Labor and Employment 1,656 na beneficiaries ang kanilang matutulungan at miyembro ng 13 na association. Ito ay binubuo ng five (5) informal workers associations,...

Tatlo, sugatan sa aksidente sa Odiongan kanina

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 08 September 2015

Sugatan ang dalawang lalake at natanggalan naman ng ngipin ang isang babae na sangkot sa isang aksidente sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island pasado alas-4 ng hapon kanina, September 08.

Ayon sa kwento ni Alfred Subuingero, driver ng honda wave na motorsiklo na isa sa mga sangkot sa aksidente, papunta na sana sila ng kanyang kasama sa talyer sa Sitio Torrel, ngunit binangga umano sila ng isang 'motorstar' na motorsiklo na minamaneho ng isang babaeng estudyante ng Erhard Systems Technological Institute.

"Nakalampas na sana kami sa kanto ngunit inabot ang likod...

Mga guro sa Romblon, binigyan ng libreng bakuna ng pneumococcal vaccine`

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 08 September 2015

Ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bayan ng Romblon ay binigyan kamakailan ng libreng Pneumococcal vaccines ng Rural Health Unit (RHU) – Romblon upang maproteksiyon ang mga ito laban sa bakterya.

Sinabi ni Merly Valen H. Mallorca, Municipal Health Officer ng RHU Romblon, ang vaccine na ito ay makatutulong sa kalusugan ng mga guro upang mapigilan at labanan ang inpeksyon sa dugo, utak, at baga na dala ng Streptococcal pneumonia bacteria.

Nakinabang aniya sa libreng bakuna ang mahigit dalawandaang (200) DepEd teachers mula sa dalawampu’t walong (28) elementary school...

Paghahanda ng mga manlalaro sa buong lalawigan para sa RSU Olympics 2015, puspusan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 07 September 2015

Puspusan na ang isinasagawang pagsasanay ng mga manlalaro ng iba't ibang campus at colleges ng Romblon State University para sa gaganaping RSU Olympics 2015 ngayong September 14 hanggang 18.

Nakahanda na rin ang Romblon State University Main Campus sa bayan ng Odiongan na magsisilbing venue ng nasabing palaro.

Sinimulan nang palitan ang mga lumang pintura ng iba't ibang court sa loob ng campus nitong Sabado, September 5.

Inaasahan naman na darating ang halos 400 na manlalaro sa Odiongan ngayong Biyernes at Sabado na maglalaban-laban sa iba't ibang kategorya katulad ng Basketball,...

Pagsasanay sa itatalagang Environment and Natural Resources Officers ginanap sa Odiongan

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 07 September 2015

Ang Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG - ENRO) ay nagsagawa kamakailan ng dalawang araw na Training/Orientation on the Deputized Environment and Natural Resources Officers (DENRO's) na ginanap sa bayan ng Odiongan.

Ang hakbang na ito ng pamahalaang panlalawigan at ENRO ay naglalayong mabantayan ang mga kabundukan at masawata ang ilegal na pamumutol ng kahoy sa pamamagitan ng DENRO's na itatalaga sa bawat bayan.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mahigit 50 katao na makakatuwang ng ENRO at pamahalaang probinsiyal upang sugpuin ang pag-abuso ng ilang indibidwal sa kapaligiran.

...

Duterte, hindi tatakbo sa pagka-presidente sa 2016

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 07 September 2015

Photo Courtesy: PhilStar

"I am not running." 

Yan ang inanunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ginanap na 14-minute press conference nitong Lunes matapos ang matagal na paghihintay ng kanyang mga taga suporta sa maaring planto sa 2016 National Election.

Sinabi ni Mayor Duterte sa kanyang mga taga suporta na dumating na ang panahon para sa kanyang desisyon matapos niyang konsultahin ang kanyang pamilya. Hindi lingid sa karamihan na ayaw ng kanyang anak na si Sara, dating Mayor ng Davao, na hindi siya pabor sa pagtakbo bilang presidente ng kanyang...

Pagsuot ng life jacket, mahigpit na pinapatupad sa mga pampasaherong bangka sa mga pantalan ng MIMAROPA

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Monday, 07 September, 2015

Bunsod ng aksidenteng pagtaob at paglubog ng bangkang MB Kim Nirvana-B at pagkamatay ng di bababa sa 50 katao sa Ormoc City noong nakaraang buwan ng Hulyo, mahigpit ngayon na ipinapatupad ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan ng Region 4B - MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) ang pulisiya nila na mandatoring pagsuot ng life jacket ng bawat pasahero ng mga pampasaherong bangka bago pa man ito umalis sa mga pantalan.

Patunay nito ay ang pag iinspeksyon sa mga pasahero kung nakasuot ang bawat isa ng life jacket na biyaheng Sibale...

Madrona: P16.89M Flood Interceptor Project ng San Fernando, kasama sa 2016 National Budget

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 06 September, 2015

Masayang ibinalita ni Congressman Eleandro Jesus Madrona sa mga taga San Fernando, Sibuyan Island na kasama sa 2016 National Budget ang Flood Interceptor Project na hiling umano ni Mayor Salem Tansingco sa Congressman.

Ang nasabing P16.89M Flood Interceptor Project ay malaking tulong umano upang mabawasan na ang madalas na pagbaha sa bayan lalo na kapag umaapaw ang Cantingas River.

Ayon kay Congressman Madrona sa kanyang talumpati sa ginanap na Search for Mr. and Ms. RSU San Fernando 2015 nitong September 04, sinabi niyang ready for implementation na ang proyekto bago siya bumaba...

Pasaherong sakay ng M/V Maria Ursula, tumalon sa dagat

Written by Romblon News

by Philippine Coast Guard | Sunday, 06 September 2015

Patuloy na pinaghahanap ng Coast Guard Station Caticlan ang isanag lalake na tumalon sa barko habang nasa biyahe ito noong September 01 ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang nakilalang lalakeng si Rolin John S. Sungahin, residente ng San Joaquin, Iloilo ay sakay ng Montenegro Lines' M/V Maria Ursula at biyaheng Calapalan, Mindoro patungo sanang Caticlan, Aklan.

Ayon sa PCG tumalon ang lalake sa dagat na bahagi ng Carabao Island, Romblon at Boracay Island, Malay, Aklan nitong September 01.

Agad naman silang nagsagawa ng search and rescue operation ngunit hindi...

P20k na pabuya, nakalaan sa makakita kay Margilito Faderagao

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 04 September 2015

Naglaan na ng P20,000.00 ang pamilya ni Margilito Faderagao sa mga makakita sa kanya.

Hindi parin nakikita si Margilito 'Margil' Faderagao ng Barangay Mangansag, Corcuera matapos na mawala ito noong August 22 sa Barangay Colong-Colong.

Ayon sa Corcuera Municipal Police Station, malabo umanong may foul play sa pagkawala ni Faderagao.

Dagdag pa nila, depressed rin umano ang nasabing lalake noong panahon na siya ay mawala, base na rin umano sa mga statements ng kanyang huling nakasama sa sayawan sa Barangay Colong-Colong noong August 22.

Tuloy-tuloy naman ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa...

PNP, tiwalang ma-reresolba ang kaso ni Galicha sa 'angkop na panahon'

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015

Patuloy na umaasa ang kapulisan sa Romblon na malapit na nilang ma-resolba ang pagpatay kay Rezin Galicha noong nakaraang buwan sa loob ng kanyang boarding house sa Romblon State University Main Campus sa Odiongan.

Ayon sa text message na pinadala sa Romblon News ni Police Superintendent Juan Añonuevo, Provincial Director ng PNP sa Romblon, sinabi nitong tiwala silang ma-sosolve ang kaso dahil meron naman umanong mga leads ang kapulisan.

Sinabi pa ni Police Superintendent Añonuevo na patuloy ang isinasagawa nilang paghahanap ng ibedensya na makakapagturo sa kanilang suspect.

Hindi rin umano sila titigil...

Problema sa Power Synchronization ng dalawang planta, dahilan ng laging brownout sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015

Halos ilang araw na rin ang madalas na brownout na nararanasan sa buong Tablas Island, Romblon tuwing peak time.

Paliwanag ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO nang makapanayam ng Romblon News, problema umano sa synchronization ng dalawang planta ang madalas na dahilan kaya nagkakaroon ng brownout.

Wala umanong tamang koordinasyon ang planta ng National Power Corporation at Sunwest Water and Electric Company kaya nagkakaroon ng glitch sa supply ng kuryente.

Matatandaang pinagkalooban ng Energy Regulatory Commission nitong June ng provisional authority ang NPC upang makabili ng kulang na supply sa...

4 Romblomanon, kasama sa 340 na nakapasa sa August 2015 Agricultural Engineering Board Exam

Written by Reden Escarilla | Romblon News

by Reden Escarilla, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015

Umabot ng 340 out of 841 o 40% lamang ang mga nakapasa sa August 2015 Agricultural Engineering Board Exam, ayon sa Professional Regulation Commision (PRC) nitong Miyerkules.

Apat naman dito ay mga graduate ng Romblon State University Main Campus.

Ayon sa PRC, 4 out 29 galing Romblon State University lamang ang nakapasa sa naturang pagusulit.

Nakilala ang mga pumasa na sina Jane Faith Falceso, Jean Frivaldo, Abbygail Jaylo, at Jane Rotoni.

Ayon sa datus ng PRC, ang University of the Philippines-Los Baños ang top performing school sa naturang pagsusulit matapos makakuha ng...

Customs humingi ng Sorry sa mga OFW

Written by Romblon News

by Pilipino Star Ngayon | Friday, 04 September, 2015

Humingi ng tawad ang Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Alberto Lina ngayong Huwebes sa mga overseas Filipino workers (OFW) kasunod ng isyu sa mga balikbayan box.

Inamin ni Lina sa pagdinig ng Senate committee on ways and means na nagbukas sila ng mga balikbayan box mula sa Amerika at limang containers mula sa Hong Kong.

"Ako'y nag-so-sorry kung mayroon kaming natapakan d'yan. Hindi kami nantatapak sa mga OFW. I give my 200 (percent) support for them. Hintayin ninyo ang bago naming procedures," pahayag ni Lina.

Samantala, naglabas ng memo ang...

Sa pagkuyog sa TV cameraman: Public apology ng INC hirit ng NUJP

Written by Romblon News

by Joy Cantos at Angie dela Cruz, Pilipino Star NgayonFriday, 04 September, 2015

Hiniling kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines sa liderato ng Iglesia ni Cristo na magpalabas ng public apology kaugnay sa pagkuyog at pananakit ng ilang mga miyembro nito sa cameraman ng ABS-CBN network sa kasagsagan ng kilos protesta ng mga ito malapit sa EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City noong Biyernes ng nakalipas na linggo.

Sa isang press statement, kinondena ng NUJP ang insidente dahilan sa hindi ito makatwiran sapagka’t ginagawa lamang ng biktimang si ABS-CBN ca­meraman Melchor Pinlac ang kaniyang trabaho.

...

Labi ni Mayor Firmalo, naihatid na sa huling hantungan

Written by Ken James Fadriquela | Romblon News

by Ken James Fadriquela, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015

Naihatid na kahapon sa huling hantungan ang labi ni Mayor Baltazar Firmalo, dating Mayor ng Odiongan.

Dinagsa ng mga residente ng Odiongan ang libing ng yumaong Mayor, umaga ng Huwebes, August 03.

Galing sa munisipyo ng Odiongan, dinaan ang labi ni Mayor Firmalo sa Simbahan ng Iglesia Filipina Independiente upang sa isang misa bago ito hinatid sa Sementeryo.

Namatay si Firmalo nitong August 26 matapos ma-stroke.

...

Local Holiday idineklara sa Odiongan para bukas, September 03

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 02 September, 2015

Nagdeklara ng non-working local holiday para bukas, September 03 sa bayan ng Odiongan ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan sa isinagawa nilang sesyon kanina.

Ang nasabing local holiday ay idineklara para bigyan ng pagkakataon ang gustong makilibing sa namayapang Mayor ng Odiongan na si Hon. Baltazar 'Boy' Firmalo.

Namatay si Hon. Firmalo noong nakaraang Miyerkules, August 26, matapos atakehin ng stroke.

Ayon sa resolution, ang araw ng September 03 ay ideklara ring Municipal Mourning Day.

...