#WalangPasok: April 5-6, 2018 sa Odiongan, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Walang pasok ang mga opisina ng Gobyerno sa Odiongan, Romblon sa darating na April 5 and 6, 2018 sa bayan ng Odiongan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kanidugan Festival 2018 at ng 117th Founding Anniversary ng bayan.

Ito ang inunsyo ni Mayor Trina Firmalo-Fabic nitong Lunes gamit ang kanyang Facebook Page.

Sinabi ni Fabic na 'walang pasok sa April 5 at 6 ang mga opisina ng gobyerno sa Odiongan, pwera sa mga bangko.'

Inanunsyo rin ng alkalde na April 04 gaganapin ang Pageant Night ng Ms. Odiongan 2018 at April 06, Biyernes, naman gaganapin ang Kanidugan Festival Streetdance Competition.

Maglalabas ng final schedule ng Odiongan Foundation Anniversary Celebration ang Munisipyo ng Odiongan sa Lunes, February 19.