Job Fair in Odiongan on November 20

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Magkakaroon ng Job Fair para sa mga walang trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon sa Odiongan National  HIgh School Covered Court sa November 20 mula 7:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Inaasahang may anim (6) na manpower companies ang tatanggap ng mga on the spot hiring para sa iba't ibang trabaho sa Metro Manila at abroad.

Magdala lamang ng maraming kopya ng Resume at iba pang kailangang dokumento para sa mas mabilis na pagproseso ng inyong mga applications.