Starlite announces additional trips for October 23 to November 06

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Simula October 23 ay magkakaroon ng additional trips ang Starlite Ferries sa kanilang rutang Odiongan, Romblon to Roxas, Oriental Mindoro and vice versa para punan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi ng probinsya ngayong UNDAS Season.

Ang barko na babiyahe sa Odiongan ay ang mga barkong Starlite Relliance at ang Starlite Archer.

Sa kanilang schedule, aalis ng Odiongan patungong Roxas ang kanilang barko ng 4pm at 8pm habang galing Roxas naman patungong Odiongan ay 11am at 5pm.

Magtatagal ang ganitong schedule hanggang November 06 at pagkatapos nito'y balik na sila sa kanilang regular na operating hours.

Samantala, patuloy ang biyahe ng Dimple Star Transport patungong Odiongan at nanggagaling ang kanilang mga bus sa Alimall Cubao, SM Marikina, at sa Alabang Transapark Terminal.